Tinawag na “fake news” ni Armed Forces Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagtulong umano ng China Coast Guard sa injured Filipino fisherfolks sa Bajo de Masinloc.
Ang dalawang mga Pilipinong mangingisda ay mula sa walong sakay ng isang motorbanca na nasabugan ng makina.
Ayon kay Gen. Brawner, maraming “fake news” na nilalabas ang China kabilang na ang sinasabing pagtulong nila sa mga mangingisda.
Sa katunayan ayon kay Brawner, mismong galing sa mga mangingisda ang pahayag na tila nanonood lang ang mga Chinese at pinigilan pa umano ang mga rescuers mula sa Philippine Coast Guard .
Sabi ng opisyal, kailangan maging mapagmatiyag ng publiko at ang tanging pangontra sa naglalabasang fake news ay ang katotohanan.