PNPA cadet patay sa suntok ng upperclassman

Iniimbestigahan na ngayon ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang pagkamatay ng isang kadete matapos umanong suntukin ng kanyang upperclassman.

Kinilala ang biktimang si Cadet Third Class George Carl Magsayo, 21 na mula Pagadian City.

Ayon sa Silang Police nangyari ang insidente noong hapon ng Huwebes, Setyembre 23.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kinilala naman ang suspek na si Cadet 2nd Class Steve Ceasar Maingat.

Sa inisyal na imbestigasyon pinuntahan umano ng suspek ang biktima sa kwarto nito at makailang beses na sinuntok sa sikmura.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Dito na nawalan ng malay ang biktima at agad na sinugod sa pagamutan subalit idineklara itong dead on arrival.

Sa isang pahayag tiniyak naman ng pamunuan ng PNPA na pananagutin ang lahat ng sangkot sa pagkamatay ng kadete at nanindigan itong istrikto nilang ipinapatupad ang ‘No Hazing Policy’.