PNP, nilinaw na hindi target si De Lima sa nangyaring panghohostage sa kanya

Nilinaw ng Philippine National Police na hindi naman talaga target si dating Sen. Leila De Lima sa panghohostage sa kanya ng isa sa tatlong mga napatay na detainees na tangka sanang tumakas sa Custodial Center ng PNP sa Camp Crame.

Read More:  Senate accepts Gerville Luistro’s apology over ‘wacky photos’

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. tumakbo lang si Feliciano Sulayao Jr. sa selda ni De Lima, nang mabaril na ang dalawa nitong kasamahan ni sina Idang Susukan at Arnel Cabintoy, at hinostage ang senadora para makakatakas siya.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Dagdag ni Azurin na nanghingi pa umano ng helicopter si Sulayao para makalabas ng pasilidad, pero na-neutralized ng tactical team at nabaril din ito. //MHEL PACIA