PNP, naniniwalang nasa bansa pa si Quiboloy

Naniniwala ang Philippine National Police na nasa bansa pa rin si Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo wala silang impormasyon hinggil sa umano’y nasa China na si Quiboloy.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sinabi ni Fajardo, may mga indikasyon na nananatili parin ito sa Pilipinas.

Pero magkagayunman, lahat aniya ng mga impormasyon ay kanilang beneberipika.

Una nang sinabi ng PNP na nakakatanggap na sila ng mga impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Quiboloy pero dumadaan pa ito ng verification.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Nagsimula ang pagtanggap nila ng mga impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Quiboloy matapos mag alok ang ilang pribadong indibidwal ng P10M reward money para sa ikadarakip nito.