Kingdom of Saudi Arabia, nananatiling may pinakamahirap na working conditions para sa OFWs

Tiniyak ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino na gugulong na ang negosasyon para sa bagong bilateral labor agreements sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia sa General skilled workers at household service workers.

Nabatid kasi sa ikinasang town-hall meeting at dialogue ng OFW Party-list at Philippine Embassy kasama ang OFWs na isa ang Kingdom of Saudi Arabia sa may pinakamahirap na working conditions sa kabila ng pagiging numero unong destinasyon ng mga Pilipino.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ipinarating kay Magsino na humaharap sa hamon ang OFWs sa kanilang mental health dahil sa limitadong social activities kasama ang mga kapwa Pinoy dulot ng pagkakaiba sa relihiyon at pananaw sa pulitika.

Ipinaliwanag ng kongresista na di tulad sa ibang mga bansa na may lingguhang day-off, sa Saudi Arabia ay hindi makapagsaya ang OFWs dahil sa kakulangan ng access sa mass transport at karamihan ay nakatira sa bahay ng amo o employer.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Nangako si Magsino na hahanap ng paraan upang tulungan ang OFWs na magkaroon ng access sa mental health services kabilang ang state-sponsored counselors at trained suicide-hotline operators.

Maging ang umento sa sahod ng household service workers ay isusulong umano nito dahil napako na ito sa 400 US Dollars mula pa noong taong 2012.

Sa kasalukuyan ay nasa 864,000 ang bilang ng mga Pilipino sa Saudi Arabia.