Arestado ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang 2 Cameroonian nationals sa Taguig City dahil sa “black dollar” scam.
Ayon kay NBI Dierctor Jaime Santiago, nagsimula ang kaso mula sa reklamo laban sa isang “Dr. Paul”.
Ayon sa nagreklamo, nagpakilala si “Dr. Paul” at naghayag ng interes na mag-invest sa Pilipinas.
Matapos magpalitan ng contact number, nakipagkita ang suspek sa biktima at ipinakita ang proseso ng pag-decode ng mga dolyar.
Sinabi ng suspek na kapag na-decode na ang mga dolyar, gagamitin ang mga ito para mag invest sa condominium project ng biktima.
Kalaunan, hiningan na ng suspek ang pera na umabot ng 750 thousand peso para sa decode process ngunit naghinala na ang bitkima hanggang sa magsumbong sa NBI.
Sa entrapment operation naaresto si “Dr. Paul” na sa tunay na pangalan ay si Khan Fonkam na nauna ng naaresto ng NBI noong Mayo.
Naaretso rin ang kanyang kapatid ni Awa Fonkam.
Nahaharap na nga mag ito sa kasong estafa at Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes and Other Instruments.