Ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang bilang ng active COVID-19 cases sa kanilang mga police officers sa buong bansa sa 70% sa loob lang ng isang buwan.
Kaugnay nito, nasa 953 nalang umano ang may mga sakit mula sa 3,214 noong Setyembre 13.
Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, ito ay dahil sa pagbabakuna sa mga pulis.
Nabatid na mula noong September 28, nasa 74% ng kanilang personnel na ang fully vaccinated o 164,787 mula sa 222,743.

Sa ngayon, nakapagtala ang PNP ng kabuoang 41,266 na mga kaso ng COVID-19, kabilang na ang 40,191 recoveries at 122 deaths. //MHEL PACIA-TRINIDAD