Bilang sa kaso ng COVID-19 sa NCR, patuloy na bumababa – OCTA

Patuloy umano ang pag-ganda ng COVID-19 situation sa Metro Manila, sa gitna ng patuloy na pagbaba ng trend sa bilang ng coronavirus infection.

Ayon sa OCTA Research group ang virus reproduction rate sa National Capital Region ay nasa 0.58.

Una nang ipinaliwanag ng mga health experts na ang reproduction rate na less than one ay nangangahulugan na ang transmission ay bumabagal.

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David, na ang seven-day average sa kaso ng COVID-19 cases sa rehiyon ay nasa 1,681, habang ang positivity rate ay nasa 10%.

Giit ni Dr. David, bagama’t gumaganda ang reproduction number, at positivity rate at maikokonsiderang moderate, mananatili parin umano ang target na 5%. //MHEL PACIA-TRINIDAD