Nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police sa mga tindahan ng paputok sa tinaguriang Fireworks Capital of the Philippines sa Bocaue, Bulacan.
Pinangunahan ni Police Regional Office 3 Director PBGen Jose Hidalgo Jr. ang inspeksyon katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at lokal na pamahalaan.
Hinanapan ng mga awtoridad ng permit at tiningnan rin kung sumusunod ang negosyante sa mga pamantayan sa pagbebenta ng fire crackers at fireworks.
Sa isinagawang inspeksyon, walang tindahan nakitang nagbebenta ng iligal na paputok.
Kasabay ng pagbisita sa mga tindahan, inatasan na rin ni BGen. Hidalgo ang lahat ng kanyang mga subordinate units na magtalaga ng firecracker zone sa bentahan at paggamit ng mga ligal na paputok sa mga lugar na kanilang nasasakupan.