Naaresto sa pagbebenta ng iligal na paputok online, umakyat na sa 5

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga naaresto ng PNP-ACG sa mga indibidwal na nagbebenta ng paputok online.

Sa ulat ng ACG, 2 lalaki ang kanilang naaresto sa pamamagitan ng entrapment operation sa tapat ng isang convenience store sa Brgy. San Ramon, Dinalupihan, Bataan kaninang umaga.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Kinilala ang mga nahuli na sina:Jaymar Sandoval at Eugene Macasaet.

Ayon kay Police Col. Jay Guillermo, Hepe ng Cyber response unit ng ACG sa facebook nagbebenta ng paputok ang 2 nahuli.

Nakuha sa kanila ang paputok na nagkakahalaga ng P5, 300 kasama ang 2 Bundle ng Kwitis, 1, 800 rounds ng Sawa at 1 Box Picollo

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sasailaalim sila sa physical and ultraviolet examination at nakatakdang dalhin sa Regional Anti-Cybercrime Unit 3.

Dahil sa panibagong nahuli, umabot na sa 5 indibidwal ang naaresto ng ACG sa nagbebenta ng paputok online.

Inihahanda na ngayon ang isasampang kaukulang kaso laban sa dalawa.