Nagbigay ng babala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operators at drivers na tatanggi sa mga pasahero at maniningil ng sobra-sobra lalao na ngayong holiday season.
Muling ipinaalala ng LTFRB na may kaukulang multa sakaling mahuli o mai-report na nagkakahalaga ng P5,000 sa 1st offense at P10,000 sa 2nd offense kung saan mai-impound din ang sasakyan.
Hindi naman gugustuhin ng sinumang operator o taxi driver ang parusa sa ikatlong pagkakataon na P15,000 plus kanselasyon na ng Certificate of Public Convenience.
Samantala, tiniyak naman ng LTFRB na may sapat na bilang ng mga public utility vehicles (PUVs) pagkatapos ng December 31 na deadline ng franchise consolidation kung saan may mga inilatag rin na hakbang ang DOTr upang maiwasan sa sinasabi ng mg atransport group na krisis sa transportasyon.