Nahigop na oil waste mula sa lumubog na MTKR Terranova, mahigit 500K liters na

Mahigit sa kalahating milyong litro na ng oil waste ang nahihigop mula sa lumubog na MTKR Terranova sa Bataan

Ayon sa Philippine Coast Guard, nasa 506, 244 liters ng langis ang nasipsip mula sa tanker mula noong August 19 hanggang August 26.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

May kargang 1.4 milyong litro ng langis ang barko nang lumubog ito sa Limay, Bataan noong nakaraang buwan.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Samantala, nagpapatuloy naman ang re-sealing at patching operations sa manhole and air vents sa lumubog na MTKR Jason Bradley.