PNP Naga nakakatuwang na ang ibang PNP Stations nawalang lalaking bumili lamang umano ng sasakyan

NAGA CITY- Nakakatuwang na ng Naga City Police Office ang iba pang mga himpilan ng pulisya sa paghahanap sa halos isang linggo nang nawawalang si Jaime “Boboy” Faramil.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Director PCol. Marlon Catan na sa inisyal na impormasyon may transaksyon sa pagbili ng sasakyan si Boboy. Kinukuha pa ng NCPO ang buong detalye ng pangyayari, nakikipag ugnayan na rin sa mga Barangay Officials sa Dayangdang.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Subalit ayon sa pamilya, ang 29-anyos na si Boboy ay huling nakausap noong Dec. 29, 2021 bandang alas-8 ng gabi kasama ang hired driver/ car agent umano na unang beses nitong nakilala. Bumibiyahe mula sa Muntintula-Laguna – Bicol, sakay ng Nissan Navarra na itim, may plakang F3 X317.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay Catan, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Land Transportation Office upang malaman kung sino ang may-ari ng sasakyan base sa plaka nito; plate number man o conduction sticker lamang.

Iniisa-isa na rin ang mga kuha ng CCTV camera. Kung kailangan aniya na magpadala na sila ng mga tauhan sa Laguna, magpapadala ang NCPO sa ikalulutas nito.