LEGAZPI-Muling naitala sa bayan ng Tiwi, Albay ang pinakaunang kaso ng tinamaan ng Covid-19 ngayong taon sa kanilang bayan.
Sa pinalabas na report ng Rural Health Unit, si Bicol Patient No. 46848 ay isang 28 anyos na babae, residente ng barangay Tigbi at isang private employee.
Lumalabas din na ito fully vaccinated na kontra sa nakakahawang sakit at nagkaroon ng travel history sa Makati.
Ang nasabing pasyente ang kasalukuyang nakaquarantine sa isolation facility matapos nga na makitaan ng sintomas ng sakit.