BRVOC, muling nanawagan na magpabakuna na kontra COVID-19, matapos ang muling pagsirit ng COVID-19 cases at pagkaka detect ng Omicron variant sa Bicol

BNFM BICOL— Muling nanawagan ang Bicol Regional Vaccination Operations Center o (BRVOC) sa lahat ng mga Bicolano na makiisa sa nagpapatuloy na vaccination roll out sa iba’t-ibang panig ng rehiyon lalo na ngayong tumataas nanaman ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol.

Sa isang pahayag sinabi ni Dave Plopinio, Secretariat ng BRVOC, na isa ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa mga hakbang na maaaring gawin at magbibigay ng malaking tulong, upang makaiwas na mahawaan ng nakamamatay na virus.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa panahong ito aniya na muli nanamang sumisirit ang COVID-19 cases sa Bicol at may banta na rin ng Omicron variant sa rehiyon, kailangang maging mapagbantay ang bawat isa sa lagay ng pansariling kalusugan at ng bawat miyembro ng pamilya.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dagdag pa ng opisyal, ang COVID-19 vaccine ay likas na ginawa upang matulungan ang katawan ng tao na mag develop ng immunity laban sa corona virus ngunit ang kakaunting bilang ng vaccinated individuals ay hindi mag gagarantiya ng ligtas na komunidad hanggat hindi naaabot ang ‘herd immunity.’###