PNP, may tinitingnan nang persons of interest sa pamamaslang sa isang 87-anyos na lola sa Bato, Catanduanes

NEWS UPDATE

BICOL—Apat na indibidwal ang ikinokonsiderang “persons of interest” ngayon ng PNP-Bato sa Catanduanes kaugnay ng kaso ng pamamaslang sa isang 87-anyos na lola sa Brgy. Batalay ng nasabing bayan.

Sa panayam kay PCapt Emsol Icawat – hepe ng Bato Municipal Police Station, inihayag nitong apat na persons of interest ang kanilang tinitingnan sa ngayon, kabilang ang mismong kapamilya at kakilala ng biktima sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maliban dito, inihayag rin ng opisyal na isang batong may bahid ng dugo sa labas ng bahay ng biktima ang kanilang natagpuan na ngayon ay isinailalim na sa pagsusuri ng crime laboratory.

Matatandaang natagpuang nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo ang biktimang kinilalang si Ester Rojas, sa loob mismo ng kanyang bahay.

May sugat ito sa likod na bahagi ng kanyang ulo habang kinumpirma rin mismo ng kaanak nito na nawawala ang nakatagong malaking halaga ng pera ng matanda sa loob ng kanyang cabinet at tanging ang ATM card at withdrawal slip na lamang ang natagpuan ng mga otoridad sa crime scene.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy sa pagkalap ng ebidensya ang PNP habang una na ring inanunsiyo ng LGU-Bato na handa silang magbigay ng P50,000 bilang reward money sa sinumang makakapagturo o makapagbibigay impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspek.###