Chavit, Bam, Honasan – target ang comeback sa pulitika

Naghain na ngayong araw si dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson ng kanyang kandidatura para sa pagka-senador.

Anya, layunin ng kanyang pagtakbo na mapadali ang plano niyang ma-modernize ang mga transport vehicles.

Dagdag pa niya nakausap na rin niya ang ilang transport sectors kabilang na rito ang Magnificent 7 at MANIBELA.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Kung palarin, handa rin umano siyang maglabas ng sariling pera para makapagbigay ng discounted na e-jeepney.

Samantala, unang-una ring naghain ng certificate of candidacy ngayong araw si dating Senador Gringo Honasan.

Ayon kay Honasan, dapat lang umanong iboto siya ng mga kabataang Pilipino dahil maraming beses na niyang isinugal ang kanyang buhay sa nakaraang 50 taon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Nag-file na rin ng candidacy si dating senador Bam Aquino ngayong hapon.

Maliban pa roon, naghain na rin ng kanyang kandidatura kanina si retired PH Marine Corps Officer, Col. Ariel Querubin.

Sa ngayon, running independent si Querubin pero bukas umano siyang sumama sa ilang partido na tumatayo para sa interes ng mga Pilipino.