PNP, maghihigpit sa paghuli ng mga gagamit ng wang-wang

Magpapatupad ng mas mahigpit na panghuhuli ang Philippine National Police sa mga gagamit ng wang-wang, blinkers at iba pang kahalintulad na signaling o flashing devices

Binigyan-diin ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, na hindi exempted ang mga miyembro ng PNP sa kapag sila ay mahuhuli kung lalabag sa mga probisyon ng PD 96 at Administrative Order 18 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol dito.

Sinabi pa ni Fajardo na tuloy-tuloy ang kanilang kampanya at istriktong ipapatupad ang utos ng Pangulo.

Sa katunayan ayon sa PNP Highway Patrol Group mula buwan ng Enero hanggang Marso ngayong taon ay mayroon nang kabuuang 2, 546 ang nakumpiskang unauthorize at illegal attachment ng plaka at paggamit ng blinkers.

Nagbabala rin ang PNP sa mga preivately owned vehicles sa paggamit ng mga signaling devices.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *