Pinoy na nasaktan sa lindol sa Taiwan, umakyat pa sa 15

Iniulat ng Department of Migrant Workers o DMW na nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipino na nasaktan sa nangyaring lindol sa Taiwan.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni DMW OIC Hans Leo Cacdac, minor injuries ang natamo ng mga biktima at lahat ay nasa maayos nang kalagayan.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Nakauwi na rin sila sa kani-kanilang dormitories at pawang nabigyan na rin ng ayuda.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Karamihan daw sa mga nasugatan ay naninirahan sa Hualien kung saan ang epicenter ng nangyaring 7.5 magnitude na lindol noong nakalipas na linggo.