PNP, kaisa ng sambayang Pilipino sa pagdadalamhati sa mga nasawi sa bagyong Kristine

Kaisa ng sambayang Pilipino ang Philippine National Police (PNP) sa pagdadalmahati sa mga nasawi sa Bagyong Kristine.

Sa flag raising ngayong umaga sa Kampo Crame, inilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas bilang pagtalima sa Proclamation No. 728 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagdedeklara ngayong araw bilang ‘National Day of Mourning’ para sa mga biktima ng nagdaang Bagyong Kristine.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Nag-alay din ng dasal ang PNP sa lahat ng biktima ng bagyo.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Sa pinakahuling ulat ng NDRRMC, nasa 150 na ang napaulat na namatay sa Bagyong Kristine at Leon.

Umaabot na rin sa 8.6 million individuals o 2.2 milyong pamilya ang naapektuhan ng dalawang bagyo sa bansa.