PBBM: Disenyo ng mga imprastraktura, kailangan nang iakma sa climate change

Aminado si Pangulong Bongbong Marcos na hindi na kinakaya ng kasalukuyang disenyo ng mga flood control ang dami ng ibinubuhos na ulan.

Mababatid na katumbas ng tatlong buwang pag-ulan ang isang araw na ibinuhos na pag-ulan ng bagyong Kristine sa Bicol Region, dahilan ng malawakang pagbaha sa maraming probinsya sa rehiyon.

Read More:  Taguig police officer faces administrative complaint over alleged child harassment

Sa lingguhang vlog ng Pangulo, tinukoy nito ang pagbabago ng panahon o ang climate change kung bakit mas malalakas na ngayon ang bagyo at nakakaranas ng extreme weather condition, hindi lang ang Pilipinas kundi ang buong mundo.

Ang dati anyang mga lugar na hindi binabaha ay nakakaranas na ng mga pagbaha sa ngayon.

Read More:  INC opposes planned plunder case against Marcoleta

Sa maikli at mabilis na panahon anya, agad tumataas ang tubig dahil sa bigat ng pagbuhos ng ulan.

Kaya’t marami raw dapat gawing pagbabago sa pagpaplano para sa ipapatayong imprastraktura ng pamahalaan.