23 nagpanggap na guwardiya sa isang kainan at pasyalan – arestado sa Antipolo

Arestado ang 23 lalaki sa Barangay Sta Cruz, Antipolo City matapos nilang iligal na pasukin ang isang pribadong pasyalan sa Lungsod.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng sumbong sa may-ari ng pasyalan na may 23 nagpapakilang security guard ang tahasang pinasok ang kanilang lugar at tinangkang i-take over ang pasyalan mula umano sa utos ng isang kumpanya.

Sinabi ng pulisya, walang maipakitang dokumento ang mga lalaki maliban na lang sa deployment order. Humarap naman ang may-ari ng pasyalan at ipikanita nito ang kaniyang dokumento bilang patunay na siya ang may-ari ng lugar.

Napag-alaman din ng pulisya na 11 lamang sa 23 inaresto ang lehitimong guwardiya habang ang iba ay isinama lang ng naturang security agency.

Sa ngayon nakakulong ang mga suspek sa Antipolo Police Station na nahaharap sa mga reklamong tres passing, usurpation of real property, coercion, at paglabag sa comprehensive firearms and ammunition regulation act.