PNP chief: Teen’s death sa drug ops sa Laguna, mananatiling ‘hearsay’ hangga’t…

Binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na hangga’t walang lumalapit sa kanila na testigo, ang ulat kaugnay sa batang lalaki sa Laguna na binaril habang nakaposas at nakadapa ay mananatiling “hearsay.”

Ito ang sinabi ni Eleazar matapos sabihin ng mga kaanak ng 16 na taong gulang na si Johndy Maglinte at Antonio Castillo Dalit, na binaril ng mga pulis si Maglinte sa naturang operasyon habang nakaposas at nakadapa, matapos masaksihan ang pagkamatay ni Dalit.

Read More:  DepEd assures uninterrupted learning amid Mayon Volcano activity

Giit ng PNP chief, ang naturang mga pahayag ay hindi suportado ng ebidensiyang sa halip ay narinig lamang sa mga reports.

Read More:  DSWD meets TNCs for assistance rollout

Kaugnay nito, nanawagan si Eleazar sa mga testigo na makipagtulungan sa mga imbestigador, dahil ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP ay nakabatay lang rin sa impormasyon mula sa mga witnesses.

Samantala, nagbabala naman ito na kung may itinatagong impormasyon ang testigo mula sa IAS, ay ibang kaso naman ang kahaharapin nito. // MHEL PACIA-TRINIDAD