Naitala ng Pilipinas ang panibagong 5,803 na mga kaso ng COVID-19, dahilan para lalo pang lobo ang total tally sa 1,359,015.
Ayon sa Department of Health, ang bagong infections ang dahilan para tumaas rin ang bilang ng active cases sa bansa sa 57,679, kung saan 91.9% dito ang mild, 3.7% ang asymptomatic, 1.8% ang severe, at 1.3% ang nasa kritikal na kondisyon.
Kaugnay nito, tumaas naman ang kabuoang recoveries sa 1,277,715, matapos na gumaling ang 7,652 pang pasyente mula sa respiratory disease.
Samantala, umakyat rin ang death toll sa 23,621, matapos maitala ang 84 bagong fatalities. // MHEL PACIA-TRINIDAD
