Ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil na imbestigahan na rin ang supervisor ng tauhan ng Highway Patrol Group na nagsilbi umano bilang escort.
Ito’y makaraang maaresto ang tauhan ng HPG at isang dating sundalo sa Parañaque City kahapon
Ayon kay Marbil, nais niyang malaman kung alam man lang ba ng immediate supervisor ng HPG personel na rumaraket ito.
Iginiit ng PNP Chief na ipinagbabawal sa PNP ang tinatawag na moonlighting o pagkakaroon ng ibang trabaho lalo na kung pasok ito sa kanyang oras ng duty
Kahapon, nasermunan umano ni HPG Chief BGen. Jay Cumigad ang kanilang tauhan matapos na mabistong nagmo-motorcycle escort.
Mahaharap ito sa kasong administratibo habang usurpation of authority ang kahajarapin ng dating sundalo matapos lagyan ng stocker ng pulisya ang kanyang motorsiklo upang makaraket.