DSWD, patuloy ang kampanya laban sa mga nasa likod ng bentahan ng sanggol online

Ipinauubaya na raw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa korte ang insidente ng pagbebenta ng bagong-silang na sanggol online.

Ito ay matapos sampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang mga taong nasa likod ng bentahan ng bata sa internet.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DSWD Asec. Irene Dumlao, sinabi nitong ang nararapat na korte na ang bahala sa kaso.

Sa parte naman ng DSWD – sinabi ni Dumlao na titiyakin nila na naaalagaan nang maayos ang bata.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Sisiguruhin din daw nila na matutugunan ng ahensya ang pangangailangan ng baby.

Patuloy aniya ang DSWD sa kampanya para sa legal adoption, maging sa pagpapanagot sa mga grupo at indibidwal na gumagawa ng naturang gawain.