Libreng WiFi sa mga estudyante, handog ng Brgy. Cabaruan, Cauayan City

Nagkabit ng mga libreng WiFi ang barangay Cabaruan sa bawat purok upang makatulong sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral sa nagpapatuloy na distance learning.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Purok Leader Milagros Badua Fragata ng Purok Paraiso ng barangay Cabarauan, sinabi niya na ito ay inisyatibo ng kanilang Punong Barangay na si Kap. Benjamin Dy matapos umanong hilingin ito sa kanilang tanggapan.

Layunin aniya nitong matulungan ang mga mag-aaral na walang kakayahang magpakabit ng internet na gagamitin sa kanilang online classes lalo ngayong may pandemiya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dahil dito ay sinimulan nila aniya ito noong mga nakaraang linggo kung saan target na kabitan ang lahat ng 14 na purok ng barangay.

Sa ngayon ayon pa kay PL Fragata nasa pitong WiFi palang ang kanilang naikabit at kinailangang pansamantala munang itigil dahil sa nararanasang mga pag-ulan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dagdag pa niya na ginagamit na ng mga estudyante ang mga naturang WiFi.

Nilinaw naman niya na exclusive lamang ito para sa mga mag-aaral at sila na aniya ang bahalang maglalagay sa mga cellphone ng mga estudyante ng password ng Wifi.

Plano rin nila aniyang mag-ikot sa mga purok na nalagyan na ng WiFi upang kumustahin ang status ng internet connection.

Photo/Brgy. Cabaruan