Inamin ng Philippine National Police (PNP) na may ilang top officers ang nagdadalawang isip na tumugon sa panawagan na magsumite ng kanilang courtesy resignation, sa gitna ng hakbang na linisin ang organisasyon dahil sa mga pagkakadawit sa ilegal na droga.
Ayon kay PNP spokesperson Jean Fajardo, kinuwestiyon ng ilang mga higher ranked officials ang pangangailan na magsumite ng courtesy resignations, kung ang mga posibleng dawit sa ilegal na droga ay natukoy na.
Sinabi naman ni Fajardo na handa si PNP chief Rodolfo Azurin Jr., na nagsumite ng kanyang courtesy resignation noong nakaraang linggo, na kausapin ang mga nagdadalawang isip na senior officers, para iparamdam umano sa kanila, ay maipaliwanag ang intensyon ng naturang panawagan.
Sa ngayon, nasa 60% na o halos 500 sa 947 generals at full colonels ng PNP ang nagsumite ng kanilang courtesy resignation, na karamihan ay nakatalaga sa Luzon posts, habang ang mga resignations mula sa Visayas at Mindanao ay inaasahang maisusumite ngayong linggo.
Ang deadline para sa submission ng courtesy resignations ay sa katapusan ng Enero.
