Inihain ni Las Piñas Rep. Camille Villar ang isang panukala na magbibigay ng nsurance, benepisyo at tax-exempt hazard pay sa lahat ng media workers.
Ang panukala na nakasaad sa House Bill 6543 ay sumasaklaw sa lahat ng media workers mapa-regular, contractual at freelance.

Sa pag-aaral ng Reporters Without Borders na inilabas ilang araw pa lang ang nakalilipas, Pilipinas ang ika-apat na bansang may pinakamaraming journalists na namatay simula pa 2003 sa bilang na 107.

Kung maipapasa ang HB 6543, kailangang konsultahin ng GSIS, SSS at PIA ang National Press Club, National Union of Journalists of the Philippines, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, atbp. sa pagbabalangkas ng implementing rules and regulations nito.
