Mga nag-resign na PNP officials, daraan sa lifestyle check – Azurin

Sasailalim sa lifestyle check ang mga police generals at colonels na nagsumite ng kanilang courtesy resignation.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang naturang lifestyle check ay parte ng mga hakbang na ginagawa ng five-man-committee na siyang mag-a-assess at gagawa ng mga rekomendasyon kay Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Malacañang praises mon Tulfo’s fake news admission

Sa pinakahuling ulat, higit 500 na high ranking police offcials na ang nagsumite ng courtesy resignation.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Una nang sinabi ni Azurin na may hihigit sa sampu nang senior police officers ang iniimbestigahan kaugnay ang illegal drugs.

Sa bilang na 500, hindi pa sigurado kung kasama na ang naturang mga pulis na sangkot umano sa illegal drug trade.
#