BNFM Bicol-IBINIDA ng Department of Public Works and Highways o (DPWH) katuwang ang Department of Public Works and Highways katuwang ang Presidential Communications Office (PCO) at Philippine Information Agency (PIA) ang mga plano kaugnay sa pagpapatayo ng iba’t ibang mga imprastraktura sa rehiyong Bicol.
Kaugnay nito upang mas mapalakas pa ang transportasyon at ekonomiya ng rehiyon nakatakdang itayo ang nasa 103 na kilometrong National Highway at ang 1,483.70 linear meters ng mga tulay.
Samantala, ito ay paghahanda rin sa iba’t ibang mga sakuna na posibleng dumaan sa Bicol gaya ng pagbaha na ang mga tulay ay may malaking tulong sa mga Bikolano. ### KENNETH BERMIL