Plano ng Pilipinas sa Afghan Refugee, suportado ni Escudero

Sinuportahan ni Senate President Francis Escudero ang desisyon ng Gobyerno para sa panandaliang pagtanggap sa mga Afghan Refugee sa Pilipinas.

Ayon kay Escudero, sa kanyang pagkakaalam, ang mga pupunta sa bansa ay ang tumulong sa mga Amerikano na labanan ang terorismo sa Afghanistan.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Aniya, ang pagtigil nila ay temporary lamang at hindi naman ang Pilipinas ang nangako sa mga Afghan kung hindi ang Estados Unidos na kukuhanin din sila.

Matatandaan na nangyari na rin ito noong Second World War na hinayaang pumasok at panandaliang nanirahan sa Manila ang mga German Jews sa pagitan ng taong 1937 at 1941.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Samantala, para naman kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III, nababahala siya sa plano ng bansa.