Nasilbihan ng show cause order mula sa Land Transportation Office o LTO ang nasa 100 mga car dealers na bigong makapag bigay ng plaka sa mga buyer ng sasakyan sa tamang oras.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, hindi dapat lalagpas sa 11 days bago maibigay ng mga car dealer ang plaka at OR/CR sa mga motorista.
Maliban sa mga car dealers, sinisilip na rin ng LTO kung may pagkukulang din sa kanilang personnel kung bakit hindi naibibigay on time ang mga plaka.
Posibleng ipasara ang mga car dealer, at ite-terminate ang mga LTO personnel na mapapatunayang hindi ginawa ang trabaho para mailabas agad ang plaka.
Kaugnay nito, hinimok ni Atty. Mendoza ang mga motorista na isumbong sa kanilang hotline na 0929-292-0865 ang mga car dealer na atrasadong magpalabas ng plaka ng sasakyan.