PISTON: dapat payagan ang mga operators na bumaklas sa mga kooperatiba

Nanindigan si PISTON National President Mody Floranda na dapat pahintulutan ang mga operator na gusto nang bumaklas sa sinasalihan nitong kooperatiba.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Floranda, sinabi nitong dapat payagan ang pagwi-withdraw ng mga operators sa kanilang membership kung wala pa itong Certificate of Public Convenience.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kaugnay nito, binigyang-diin din niya na ang kagustuhang mag-withdraw ng ilang mga drivers at operators ay pagpapakita na napilitan lang ang mga ito.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Giit din ng opisyal, naghahabol lang ang mga ito sa kagustuhang makabiyahe pa rin.

Sa ngayon, tinatanggap daw ng LTFRB ang mga inihahaing withdrawal ng mga operators, at posibleng magkaroon ng public hearing para malaman kung bakit aatras ang mga ito.