PH, nakapagtala ng 12,751 new COVID-19 infections

Nakapagtala ang bansa ng 12,751 bagong COVID-19 infections ngayong araw, dahilan para pumalo na ang total case count sa 2,134,005.

Ayon sa Department of Health (DOH), nagkarooon ng technical issues sa pagkuha ng datos dahilan kung bakit mababa ang bilang ng kaso na naiulat. 

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dahil sa bagong infections, umakyat na sa 151,135 ang active cases sa bansa. Sa bilang na ito, 91.6 percent ang mild, 3.7 percent ang asymptomatic, 1.5 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Umabot naman na sa 1,948,198 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 20,151 pang pasyente.

Samantala, nasa 34,672 na ang kabuuang bilang ng nasawi sa nasabing virus matapos makapagtala ang bansa ng 174 bagong fatalities.