Mga senador – hati ang reaksyon sa pagbabawal sa wangwang

Naniniwala si Senadora Imee Marcos na hindi dapat ipagbawal nang tuluyan ang paggamit ng mga wangwang, blinkers at iba pang signaling o flashing devices.

Ito ay matapos ipagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang inilabas na administrative order no. 18 ang paggamit ng mga ganitong devices ng mga government officials.

Pagpapaliwanag niya, may mga ‘valid’ o tama namang paggamit ng mga ito sa daan.

Ayon pa sa kanya, imbis na ipagbawal ito ay dapat paigtingin na lang ang pag-regulate rito.

Dagdag pa niya, pupwede ring igpitan ng gobyerno ang paghuli nito sa mga di awtorisadong gumagamit ng mga wangwang at signaling devices upang mapanagot sa ilalim ng batas.

Sa kabilang banda, wi-nelcome naman nina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador JV Ejercito at Senadora Grace Poe ang ginawang pagbabawal ng Pangulo rito.

Paliwanag nila, makakabuti kung magsisilbing modelo ang mga opisyales ng gobyerno sa paglaban sa di awtorisado at abusadong paggamit ng mga ito sa daan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *