2 suspek sa pagpatay kay Haitian President Moise, arestado!

Naaresto ng Haiti police ang dalawang pinaniniwalaang may kaugnayan sa pagpatay kau President Jovenel Moise habang napatay naman ang apat na iba.

Sa inisyal na report, pinaniniwalaang American citizen ang isa sa mga suspect na kinilalang si James Solages.

Sinabi ni Haiti Chief of Police Leon Charles na hawak na din nila ang iba pang suspect habang tinutukoy pa nila ang mastermind sa pamamaslang.

Una nang tinukoy ni Haiti Ambassador to US Bocchit Edmond ang mga suspect bilang mga foreign mercenaries kung saan pinaniniwalaang nakakuha ng tulong ang mga ito sa ilang Haitian nationals.

Kinumpirma naman ni US State Department Spokesman Ned Price na nagpatulong sa kanilang ang Haitian national police sa isinasagawang imbestigasyon na malugod naman nilang tinugon.

Nagdulot naman ng mas malaking kalituhan sa Haiti ang pagkamatay ni Moise dahil dalawa sa kanilang parliament ang nagki-claim na sila ang Prime Minister ng kanilang bansa.