Pinakamaliit na ahas sa mundo, matatagpuan sa Barbados Island

INIHAYAG ng mga siyentipiko kamakailan na ang pinakamaliit na ahas sa buong mundo ay matatagpuan sa isla ng Barbados sa silangang bahagi ng Carribean.

Ayon sa evolutionary biologist na si S. Blair Hedges, na siya ring naka diskubre sa pinakamaliit na butiki sa Dominican Republic at pinakamaliit na palaka sa Cuba kasama ang kanyang research team, natagpuan nila ang Barbados threadsnake sa mabatong bahagi ng Barbadian forest.

Sa sobrang liit nito, aakalain umano ng makakakita na isa lamang itong bulate dahil sa habang 4 inches o 10 centimeters.

Ayon sa mga eksperto, ito na ang pinakamaliit na uri ng ahas sa buong mundo mula sa nadiskubreng 3,100 na species ng ahas.

“Non-venomous” o wala naman umanong lason ang naturang ahas habang mga anay at larvae lamang ng mga insekto ang kinakain nito.### JDR, BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *