Lunsod ng Legazpi, nananatiling zero case sa rabies

LEGAZPI CITY – Isang magandang balita ang ibinahagi ni Dr. Emmanuel Estipona, head ng City Veterinary Office ng Legazpi City, kung saan nananatiling nasa zero cases ng rabies sa human ang nabanggit na lunsod.

Ayon kay Estipona, labis ang kanilang pagsisikap na mapanatili ito at manalo sa rabies implementer ang buong lalawigan ng Albay.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Aniya, umaasa siyang makukuha ng Alba yang first prize, at sinabi niyang nagnominate ng mga barangay na nais ding sumali na maging “best rabies implementer”.

Kaugnay nito ang balitang ibababa na sa mga barangay ang programa para sa mga galang aso at hindi na sa lokal na pamahalaan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aabutin umano ng 10-15 taon bago maresolba ang nabanggit na problema kung iaasa ito sa LGU.

Dagdag pa niya, makakatulong umano ang Responsible Pet Ownership ordinace na mabawasan at maresolba ang problema dahil mismong may-ari na ang mananagot.Samantala, hinihintay na lamang na maaprubahan ang nasabing ordinansa.