Pinagmulan ng memo kung saan pinapapa-heightened alert ang PNP dahil sa umano’y AFP destabilization, tukoy na ng mga otoridad

Natukoy ng Anti-Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) ang source ng ‘supposed memorandum’ na naglagay sa mga pulis sa high alert sa gitna ng mga bali-balitang destabilization plot sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, napag-alaman na ng PNP-ACG ang source ng mga dokumento, ngunit tumanggi na muna itong idetalye ang ulat.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Aniya, iniimbistigahan ng awtoridad ang mga memo at humihingi na rin ang mga ito ng paliwanag mula sa mga pulis na nakitaan ng pangalan sa mga dokumento.

READ MORE: Jose Faustino, kinumpirmang nag-resign matapos ang re-appointment ni General Andres Centino bilang AFP chief-of-staff

Matatandaaang sinabi kahapon ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na inatasan na nila si Police Regional Office director BGen. Mafelino Bazar na aralin kung saan nanggaling ang naturang memo.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Lumabas kasi ang isang memo na may petsang January 7, 2023 na nilagdaan ng isang pulis-Cordillera na nagngangalang Lt. Gol. Dexter Ominga.

Ang memo na ito ay mayroong iba’t ibang bersyon na nag-circulate pa sa iba’t ibang units kabilang na sa Special Action Force (SAF), PRO-6 at PRO-13.
#