OCD, vina-validate na ang 11 fatalities dahil sa LPA

Kinukumpirma na ng Office of the Civil Defense ang labing-isang mga napa-ulat na nasawi dahil sa pananalasa ng low pressure area (LPA).

Sa isang panayam, sinabi ni OCD joint information center chief Diego Agustin Mariano na mayroong 11 fatalities na vina-validate ngayon ng tanggapan na nasawi dahil sa mga pagbaha at landslides na idinulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan dahil sa LPA.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Bago ito, una nanng sinabi ni Mariano sa Laging Handa public briefing na umakyat na sa 3,387 individuals o 815 na mga pamilya ang kasalukluyang nananatili sa mga evacuation centers.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sa kabuoan, aabot na sa halos 254,000 na indibidwal ang apektado ng LPA mula sa Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Mimaropa, Northern Mindanao, Davao, at BARMM.

Tinatayang sisipa na rin sa P125Million ang pinsala ng LPA sa imprastraktura; at P77Million na pinsala naman sa agrikultura.
#