Pilot run ng COVID 19 vaccination sa 5 to 11 years old, itinakda sa February 14

KORONADAL CITY- ITINAKDA sa Lunes, February 14 ang pilot run ng COVID 19 vaccination sa mga may edad 5 to 11 years old sa lalawigan ng South Cotabato.

Inihayag ni national immunization program coordinator Jezzel Faith Arizaleta na ang vaccination sa mga 11 years old pababa ay dahil sa dumaraming kaso ng mga bata na infected ng COVID 19.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sa datos ng Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato noong February 2, umabot na sa 830 na mga 5 to 11 years old ang nagpositibo sa naturang virus.

Ang mga bata ay tuturukan ng mas mababang dose at mababang concentration ng Pfizer vaccine.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon kay Arizaleta na sa ngayon, wala pang natukoy na lugar kung saan isasagawa ang pamamakuna at naghihintay pa sila ng pinal na direktiba mula sa Department of Health (DOH).