Nanindigan ang Gobyerno ng Pilipinas na tanging ang China na lamang ang naniniwala sa sarili nitong kuwento at propaganda.
Ito ang idiniin ni National Security Council assistant director-general and spokesperson Jonathan Malaya matapos ang panibagong tirada ng China na ang Pilipinas pa raw ang gumagawa ng mga iligal na hakbang sa West Philippine Sea.
Ayon kay Malaya – ni isang bansa ay walang naniniwala at kumikilala sa 10-dash line claim ng China.
Sabi pa ng opisyal, saksi ang buong mundo na hindi nag-engage ang Pilipinas sa kahit anong provocation sa mga pinag-aagawang teritoryo, at kahit na anong pambu-bully at mga aggresive actions.
Aniya, bukas naman sila sa alok ng China na dayalogo, pero itutuloy lang daw ito kung hihinto na sila sa mga iligal na aksyon sa WPS na naga-undermine sa regional peace at security.