Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ‘walang laman’ at ‘walang kuwenta’ ang idineklarang two-day ceasefire ng CPP-NPA-NDF.
Ayon kay AFP spokesperson Medel Aguilar – isa lang daw itong ’empty statement’ at hindi naman nagre-reflect sa armed wing nila na New People’s Army.
Kung maaalala, kamakalawa nang sampu ng mga suspected NPA members ang napatay sa Bukidnon kahapon.
Sa huli, sinabi ni Aguilar na mapapatuloy pa rin ang kanilang operasyon at hindi nila ire-reciprocate, o sasabayan ang tigil-putukan ng CPP.
Nagtataka rin daw sila kung bakit mayroon pang mga ganitong uri ng pahayag ang mga rebelde gayong humina na raw ang kanilang recruitment at tila’y ‘natunaw’ na ang kanilang puwersa.