Pagdiriwang ng kapaskuhan sa Naga City, naging mapayapa

NAGA CITY – Bagamat may mga traffic incident na naitala ang Naga City Police Office at may mga cirme incident din, maituturing pa rin ng pulisya ang pagiging mapayapa o generally peaceful ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PCOL Nelson Pacalso, Naga City Director.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Kung saan nagpapatuloy ang kanilang pag-iikot at pagmonitor sa lungsod ngayon.

Katunayan nitong pagsalubong sa kapaskuhan marami man ang mga taong nagsimbang-gabi wala naman gaanong naging problema maging ang kalsada lumuwag lalo na para sa mga biyahero.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang opisyal kung aalis ng bahay siguraduhin na nakakandado ang lahat ng pinto at bintana upang maiwasan ang akyat bahay o nakawan, sa paggamit naman ng paputok ngayong magbabagong taon maging responsable at huwag pagpapaputok kung saan-saan nang maiwasan ang matamaan kagaya ng nangyari sa tatlong bikitma sa lungsod.