Pilipinas nagtala ng 1,764 mga bagong kaso ng COVID-19

Muling nagtala ang Pilipinas ng 1,764 na mga bagong kaso ng COVID-19, habang bumaba ang active infections sa 25,733.

Ito na ang pangatlong sunod na araw na mas kakaunti sa 2,000 ang mag naitatalang bagong kaso.

Ayon sa Department of Health, na dahil sa mga bagong kaso, lomobo pa ang nationwide caseload sa 3,958,786.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Kaugnay nito, dumami pa ang mga pasyenteng gumaling mula sa viral disease sa 3,869,942, habang tumaas naman ang death toll sa 63,111.

Sa gitna nito, nangunguna parin ang National Capital Region (NCR) sa mga may mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 13,756, sinundan ng Calabarzon sa 5,717, Central Luzon sa 2,896, Davao Region sa 1,412, at Soccsksargen sa 729.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Samantala, ang nationwide bed occupancy ay nasa 25.4%, kung saan ang bilang ng mga higaang okupado ay 7,316, at 21,469 naman ang bakante.