MHO Magarao, nagpaalala sa pagluluto ng kamoteng kahoy matapos ang food poisoning sa Magarao, Camarines Sur

NAGA CITY- Nagpaalala ang Municipal Health Office ng Magarao , Camarines Sur sa publiko sa pagluluto ng kamoteng kahoy o cassava, ito ay matapos ang insidente ng food poisoning kung saan umabot sa 32 ang dinala sa ospital at isa ang nasawi; kamoteng kahoy ang itinuturong dahilan ng mga nasa lugar.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay MHO Dr. Ervin Ablay ,sinabi na hindi basta-basta ang pagluluto ng naturang root crop, maayos din dapat ang pagkakabalat nito.

Sintomas ng na food poison ang panghihina, pagsusuka, pagtatae, masakit ang ulo at tiyan. Payo ni Doc. Ablay dapat nag papaadmit din dahil baka madehydrate ang pasyente, agapan bago pa lumala.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mababatid na dumalo sa birthday party sa Baranagy Carangcang ang mga dinala sa ospital, cassava ang tinuturong rason pero nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagsusuri ng MHO.