PBBM nakamit ang ‘functional’ na gobyerno sa loob ng unang 100 araw sa pwesto

Inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos, na isang “functional” na gobyerno na mayroong “best at brightest” officials, ang kanya umanong naabot sa unang 100 araw sa pwesto.

Giit ni Marcos, na ang naturang mga opisyal ay mayroong magagandang ideya kung anu ang nais ng gobyerno pagdating sa strict economic targets.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Kaugnay nito, pinasalamatan ng pangulo ang kanyang Gabinete, lalo na ang mga economic managers, para umano sa kanilang pagsisikap na ma-transform ang ekonomiya ng bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ipinagmalaki rin ng punong ehekutibo ang kanyang state visits kamakailan sa Singapore at Indonesia, na nagpalakas umano sa trade at nakahikayat ng mga investment sa mahahalagang industriya.

Mababatid na si Marcos ay 100 araw na opisina sa Sabado, October 8.