Pilipinas, kinumpirma ang local transmission ng COVID-19 Delta variant

Kinumpirma ng Department of Health na nagkaroon ng local transmission ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Inanunsyo ito ng DOH kagabi matapos makita sa isinagawang analysis ng University of the Philippines – Philippine Genome Center, at ng case investigation ng DOH Epidemiology Bureau, at ng regional at local epidemiology and surveillance units ang clusters ng Delta variant cases na may koneksyon sa iba pang local cases.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Iginiit ng DOH na kailangan na ang patuloy na implementasyon ng mas istriktong border control measures, at mas higpitan ang local COVID-19 responses kasabay ng pagkakaroon ng local transmission ng Delta variant sa Pilipinas.

Inihayag rin ng DOH na nag-iimplementa na ang bansa ng travel bans at mas mahigpit na border control measures upang i-delay ang pagpasok ng variant.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Ipinunto rin nito na meron nang head start ang bansa para ihanda ang kapasidad nito sa paghawak sa mga darating pang surges.

Una nang naiulat ng DOH na nasa 12 bagong Delta variant infections ang naitala sa bansa, na dahilan para umangat ang kabuoang bilang ng mga kaso sa 47.