Naglunsad ang France ng kontrobersyal na vaccine passport system kasabay ng pagharap nito sa fourth wave ng COVID-19 infections.
Kinakailangan na ang tinawag nito bilang “health pass” sa lahat ng klase ng events o lugar na may mahigit 50 tao.
Dinipensahan naman ni Prime Minister Jean Castex ang naturang polisiya, kung saan ay ipinunto niya na karamihan ng mga bagong infections ay mula sa mga tao na hindi pa nababakunahan.

Binigyang diin ng opisyal na ang layunin ng health pass ay maiwasan ang pagpapatupad ng nationwide lockdown sa ikaapat na beses.
Iginiit rin ng prime minister na ang kalayaan ay hindi dapat naiuugnay sa mga bagay na makasasama sa bansa katulad na lamang anya ng hindi pagpapabakuna kahit mapoprotektahan nito ang ating sarili at ang mga tao sa paligid natin.
Mababatid noong Miyerkules ay naitala ang mahigit 21,000 bagong infections sa France, na pinakamataas simula noong maagang bahagi ng Mayo.